buhay isteytsayd…
kaya ko sinulat ito dahil sa mga sumusunod: nabuburyong na ko, paborito ko si bob ong, at nakakapagod magkwento ng paulit ulit…kaya simulan na natin ang aking kasaysayan….
pangarap ng bawat bata na makapunta sa amerika..at makita si mickey mouse..isa ako sa mga iyon..matapos ang ilang taong paghihintay…at ilang araw na paglalakad ng sandamakmak na papeles…nakaalis din ako…pero di gaya ng iba..ayokong umalis ng pilipinas..maraming nagsasabi na yung iba halos magpakamatay makapunta lang sa amerika..ang sabi ko sa sarili ko…wala akong pakialam sa kanila..mamatay sila kung gusto nila..basta ako..mahal ko ang bansang kilala sa corrupt na gobyerno..sa maduduming kalsada..sa mga palaboy sa kalye..hindi ko alam kung bakit..ang totoo nyan namiss ko ng husto ang mga tanawing iyon.
paglapag ng eroplano..akala ko lahat ng mga bagay na napapanood ko sa telebisyon makikita ko agad..napansin ko lang…bakit di ata kasing amoy ng bagong bukas na package ang amerika?diba sabi nila ganun?…habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay ng nanay ko, napansin ko rin na isang malaking kalsada ang at maraming flyovers ang nakapaligid…nasaan na ang magagandang tanawin na nasa mga postcards?bakit mas madami pa atang mga sasakyan at highway kesa mga tao dito?..yan at marami pang ibang mga katanungan ko sa aking sarili…habang lumilipas ang mga araw nadaragdagan ang mga bagay na ikinukumpara ko…gaya ng mga sumusunod:
-
mas maganda ang panahon sa pinas..kaya kong tiisin ang matinding init..ligo lang ang katapat nyan…pero yung matinding lamig….nevah!!!
-
mas delikado sa US kaysa pinas…mas madaming baliw o taong grasa na nakakalat..totoo yan..mas mataas ang crime rate kagaya ng rape, homicide, kidnapping..etc..ang totoo nyan hindi mo alam baka serial killer na yung kaharap mo..hindi lang mayayaman ang kinikidnap dito.kahit batang paslit..matindi ang racism..hindi ako nag iimbento ng kwento..matapos ang ilang linggo, narealize ko na hindi lang pala pinoy TV channel ang meron sa bahay…meron din palang local channels..syet!!hindi kasi nagtatanong….dahil diyan, lahat ng channel na merong balita ay pinapanood ko..halos parepareho lang sila ng palabas..at laman ng headlines nila ang mga kagaya niyan.
-
madami nga ang pagkain dito…pero wala namang lasa…malalaki ang mga gulay, manok, turkey, karne..nakakatakot…pero lahat sila matatabang..mas masarap pa rin ang adobong niluto sa pinas.amoy pa lang, ulam na!..sa maikling salita…hindi masarap ang mga pagkain dito pero madadami…at kung lumobo ka man..ewan ko n lang…hindi ka na magtataka kung bakit marami kang makikitang malalaking tao dito.hindi ka pagpapawisan dahil sa sobrang lamig kaya hindi rin malulusaw ang mga lason mo sa katawan..at mapapadali ang buhay mo kung hahayaan mo na lumafang ka ng todo dahil nga mas madaming pagkain.
to be continued…
AFTER 100 YEARSSSSSSSSS…..
continuation…..
sa tinagal tagal ng panahon…nagawa ko ring ituloy ang kwentong ito…hindi ko nga alam kung meron bang magaaksaya ng panahon para magbasa..mas uso n ksi ngaun ung kukunan mo ng video sarili mo tapos ilagay mo sa youtube…kaya lang wala akong lakas ng loob na gawin yun….hanggang sa pagsusulat lang ako..im shy eh…hehehhe….pero ok lng un..i dont care!!wahahahaah!!!!..eniwei…anu ba sasabihin ko?….well,ang tagal ko din inisip kung ano ba talaga ang balak ko sa buhay…ang alam ko kasi..anim na buwan lang ako dito..tapos bigla sasabihin sa kin na hindi daw pwede… kesyo marami daw itatanong sa immigration pag bumalik ulit…echus..echus…hanggang sa narealize ko na kahit lumuha ako ng dugo…hindi na talaga
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2009 (1)
- January 2008 (1)
- December 2007 (1)
- October 2007 (3)
- September 2007 (3)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS